Hanggang pang-7 lang ang Gilas

INCHEON, Korea -- Ma­itatala ng Gilas Pilipinas ang pinakamasamang pagtatapos sa kasaysayan ng Asian Games men’s basketball com­petition.

Humataw si Liu Xiaoyu ng 16 puntos para panguna­han ang limang manlalaro na nasa doble-pigura at ku­nin ng batang koponan ng China ang 78-71 panalo la­ban sa Gilas Pilipinas sa con­solation round kahapon sa Hwaseoung Sports Com­plex Gymnasium dito.

At dahil sa pagkatalong ito ay hanggang ika-pitong pu­­westo na lamang ang pi­na­kamataas na makukuha ng koponang naunang pi­na­niwalaang palaban sa gin­tong medalya matapos pu­ma­ngalawa sa 2013 FIBA Asia Men’s Championship.

Makakalaban ng Gilas Pilipinas bukas ang Mongolia na natalo naman sa Qa­tar, 78-87.

Ang dating pinakamasa­mang pagtatapos ng Pilipi­nas sa men’s basketball sa huling 16 edisyon ay pang-anim na puwesto na da­­­lawang beses na naitala no­ong 1966 sa Bangkok, Thai­land at noong 2010 sa Guangzhou, China.

Si Marcus Douthit ay hu­makot ng  24 points, habang si Ranidel de Ocampo ay may 14, kasama rito ang da­­lawang triples.

Sinabi naman ni Sama­hang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pa­ngi­linan na pagtutuunan ni­­­la ng atensyon ang 2015 FIBA-Asia Championships na siyang qualifying tournament para sa 2016 Olympic Games.

“The Asian Games are now done,” sabi ni Pangili­nan sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa Incheon Asiad. “Time to look ahead – plan for FIBA Asia next year in China; the winner qualifies for the 2016 Olympics.”

 

Show comments