MANILA, Philippines - Sa pag-atras nina 2013 pro champions Mitch Robbins at Esther Dudaz, inaasahang magiging mabigat ang labanan sa 2014 Safeguard Active 5i50 Triathlon na pakakawalan ngayon sa Bohol (Bellevue Hotel).
Ang bagong kurso ang magpapahirap sa mga partisipante.
Kabuuang 650 triathletes mula sa 28 bansa ang maglalaban sa karangalan sa inaabangang swim-bike-run event.
Binanderahan ni Robbins ang male pro, habang si Dudaz ang nagdomina sa ladies section sa Subic noong nakaraang taon.
Premyong $10,000 ang nakalatag sa pro division at P120,000 sa elite category ng event na itinataguyod ng Safeguard Active katuwang ang Bellevue Resort bilang official hotel at ang 2Go na siyang official courier at logistics provider.
Bilang title sponsor sa ikalawang sunod na taon, ipinapaalala ng Safeguard Active sa mga atleta ang pagkakaroon ng superior skin germ protection kasabay ng pangangalaga sa kanilang balat mula sa mga odor-causing germs.
Ang iba pang sumusuporta sa event na inorganisa ng Sunrise Events, Inc. ay ang Aqua Sphere, Coca-Cola Femsa Philippines, David’s Salon, Devant, Intercare, Planet Sports, Prudential Guarantee, Rudy Project, Smart, The Philippine STAR at Zoot.