Fernandez, Suarez pasok sa quarters

INCHEON, South Korea — Patuloy na binibigyang pag-asa ng mga Pinoy boxers ang kampanya ng Pambansang koponan para sa medalyang gin­to matapos umusad sa quar­ter­final round sa boxing com­petition ng 17th Asian Games ditto.

Agresibong binuksan ni Mario Fernandez ang kampanya ng bansa nang bugbugin si Puran Raj ng Ne­pal at itakas ang unanimous decision win, 30-27, 30-27, 30-27, sa men’s ban­tamweight (56kg.) division.

Ang susunod na ma­kaka­sagupa ni Fernandez ay si Shiva Thapa sa quarterfinals sa Setyembre 30.

“Talagang pinaghandaan ko ang laban na ito at pinag-aralan ko siya, at siyempre nag-ingat talaga ako dahil magaling din siya, pa­hayag ni Fernandez na unang sumabak sa Asian Games.

Tinalo naman ni Charly Suarez si Akhmil Kumar ng India, 2-1, para labanan si  Am­mar Jabbar Hasan ng Iraq sa quarterfinals.

Puntirya ng mga Pinoy pugs na mahigitan ang ini­uwing gintong medalya ni Rey Saludar no­ong 2010 sa Guangzhou, China.

Sisimulan bukas nina wo­men boxer Josie Gabu­co at Nesthy Petecio ang ka­­­ni-kanilang kampanya sa pagsikwat ng medalya.

Unang lalaban si Ga­bu­co, ang 2013 world champion at Southeast Asian Games gold meda­list, sa aksyon kontra kay Lyn Yu Ting ng Chinese-Taipei sa alas-2 ng hapon sa wo­men’s flyweight (51kg.) category.

Susundan ito ni Pete­cio na makikipagbasagan ng mukha kay Gulzhaina Ubbiniyazova ng Kazkahstan sa women’s lightweight (60kg.) class.

Show comments