Huling pangkat ng mga atleta magdadatingan sa Incheon

INCHEON, South Korea -- Magsisidating  na ang hu­ling pangkat ng Pambansang atleta na siyang aasahan para makakuha ng medalyang ginto dito sa Asian Games.

Kasama sa mga inaasahang darating bukas ay ang matitikas na atleta ng taekwondo.

Kumpletong delegasyon ang lahok ng Philippine Taekwondo Association at ang mga kasama ay sina John Paul Lizardo, Francis Agojo, Christian Al Dela Cruz, Kristopher Robert Uy, Samuel Thomas Morrison, Pauline Louise Lo­pez, Jane Rafaelle  Narra, Levita Ronna Ilao, Kirstie Elaine Alora, Nicole Abigail Cham at Mary Anjelay Pe­laez.

Unang lalapag ngayon ang soft tennis team na binubuo nina Jhomar Arcilla, Joseph Arcilla at Noelle Conchita Zo­leta, habang ang rugby team na binubuo nina Justin Coveney, Gareth Leslie Holgate, Matt Donato Saunders, An­drew James Wolff, Michael Lauence Letts, Alexander Vin­cent Aronson, Jake Gerald Letts, Kenneth Mithcell Stern, Oliver Jpseh Saunders, Chris Hitch, Benjamin Jo­shua at James ColinPrince ay sasabay bukas.

Ang huling delegasyon na darating ay ang mga karatekas sa Lunes na sina Ra­mon Antonio Franco, Orencio James Virgil delos Santos, Gay Mabel Arevalo, Princess Diane Sicangco, Mae So­riano at Joanna Mae Ylanan.

 

Show comments