Gilas Pilipinas bigo kontra Iran

File photo.

MANILA, Philippines – Tumupi ang Gilas Pilipinas laban sa Iran, 63-68, sa 17th Asian Games sa South Korea ngayong Huwebes.

Nawala ang pitong puntos na kalamangan ng Pilipinas sa huling yugto ng laban nang manalasa si Samad Nikkah Bahrami na tumapos ng may 21 puntos.

Dumagdag pa sa sakit ng ulo ng Pilipinas sina Hamed Haddadi at Mehdi Kamrani na tumabo ng pinagsamang 32 markers.

Pinangunahan ni Paul Lee ang Gilas na may 11 points, habang tig-10 naman ang iniambag nina naturalized center Marcus Douthit at LA Tenorio.

Kahit natalo ay hindi pa naman ito ang katapusan ng Pilipinas dahil pasok pa rin naman sila sa quarterfinals ng liga.

Show comments