Tig-isang ginto kina Lavandia, Obiena
KITAKAMI CITY, Japan — Sumikwat sina Erlinda Lavandia and Emerson Obiena ng dalawang gold medals para sa Philippine Masters Team sa 18th Asia Masters Athletics Championships dito.
Inangkin ni Lavandia ang gintong medalya sa kanyang panalo sa women’s 60-64-years old javelin throw event sa kanyang inihagis na 30.05 metro para talunin sina Kato Keiko (28.76m) at Ota Tokiko (26.44m) ng Japan.
Hindi na niya sinubukang basagin ang record niya noong 2013 edition sa Taipei.
Pinitas ni Obiena ang gintong medalya sa men’s 45-years old pole vault event sa kanyang hagis na 4 metro para ungusan sina Higashino Makoto (3.8m) at Fukaya Eiji (3.2m) ng Japan.
Kinuha naman ni John Lozada ang bronze medal sa 800m race sa bilis na 2: 18.08 sa ilalim nina Namekawa Yuji (2:08.48) at Koji Kashima (2:10.08) ng Japan.
Hindi naman itinuloy ni Elma Muros-Posadas ang kanyang paglalaro matapos magkaroon ng injury sa una niyang tangka sa long jump event.
Bukod sa dalawang ginto, nakapitas din ang koponan ng dalawang pilak at tansong medalya.
- Latest