Blue Eagles asam ang tiket sa UAAP Finals

MANILA, Philippines - Isang panalo lamang ang kailangan ng Blue Eagles para makapasok sa UAAP Finals.

Bitbit ang ’twice-to-beat’ advantage bilang No. 1 team sa Final Four, sa­sagupain ng ‘five-peat’ cham­pions na Ateneo De Ma­nila University ang No. 4 National University nga­yong alas-4 ng hapon sa se­mifinal round ng 77th UAP men’s basketball tour­na­ment sa Smart Araneta Co­liseum.

Sa nakaraang apat na be­ses nilang paghaharap sa dalawang season ay hin­di pa tinatalo ng Blue Eagles ang Bulldogs.

Tinalo ng NU ang Ate­neo sa Season 76 mula sa kanilang 64-54 at 70-65 pa­nanaig at itinala ang 64-60 at 76-66 tagumpay sa Sea­son 75.

Ngunit sinabi ni head coach Eric Altamirano na hin­di dapat magkumpiyan­sa ang kanyang mga Bulldogs bagama’t apat na be­ses nilang iginupo ang Blue Eagles ni mentor Bo Pe­rasol.

Sina import Alfred Aroga, Troy Rosario, Gelo Alo­­lino, Pao Javelona at Glenn Khobuntin ang mu­ling babandera para sa NU.

Muli namang aasahan ng Ateneo sina 2014 UAAP Most Valuable Player Kiefer Ravena bukod pa kina Nico Elorde, Chris Newsome, Von Pessumal at Alfonzo Got­ladera.

Nakatakda namang la­ba­nan ng No. 2 Far Eastern University ang No. 3 at nagdedepensang De La Salle University sa kanilang Final Four match sa Sabado.

Hawak ng Tamaraws ang ‘twice-to-beat’ advantage laban sa Green Archers.

Show comments