^

PSN Palaro

‘Twice-to-beat’ incentive asam ng Red Lions kontra Altas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahaharap sa  krusyal na laro ang Perpetual Help sa hangaring mapaig­ting ang paghahabol ng ti­ket sa Final Four sa 90th NCAA men’s basketball nga­yong ha­pon sa The Are­na sa San Juan City.

Bitbit ang 8-6 karta, pag­sisikapan ng Altas na dumikit sa Jose Rizal Hea­vy Bombers (9-5) at St. Be­nilde Blazers (9-5) kung malulusutan ang four-time defending champions na San Beda Red Lions sa unang laro sa alas-2 ng ha­pon.

Napahinga nang 12 araw ang Altas dahil kinansela ang laro kontra sa San Sebastian Stags noong Set­yembre 15 dahil sa pagdating ng bagyong ‘Luis’.

Natalo ang Altas sa Red Lions sa unang pagtutu­os, 75-77.

May 13-2 baraha ang tropa ni coach Boyet Fernandez at ang mahahagip na ika-pitong sunod na pa­nalo ay sapat na pa­ra upu­an ang anuman sa No. 1 at Nio. 2 seat at ang ma­halagang ‘twice-to-beat’ ad­vantage.

Ito ay dahil ang pinakamagandang pagtatapos  na puwedeng abutin ng Heavy Bombers at ng Bla­zers ay hanggang 13 pana­lo la­mang kung wawalisin ang nalalabing apat na laro.

Ang mga kamador na sina Juneric Baloria, Earl Scottie Thompson at Ha­rold Arboleda ang mga aa­sahan ni coach Aric Del Rosario pero dapat na ma­k­i­­ta­an din sila ng ibayong de­­pensa para mapigil ang mga  malalaking manlalaro ng Bedans sa pangunguna nina Ola Adeogun, Arthur Dela Cruz at Kyle Pascual.

Bukod sa tatlong ito, si Fernandez ay manana­lig na magpapatuloy ang ma­gandang ipinapakita nina Ba­ser Amer at Anthony Se­merad para palawigin ang winning streak sa pito.

Pagsisikapan naman ng talsik nang Mapua Car­dinals na ma­hagip ng ika­apat na sunod na panalo sa pagsukat sa Emilio Aguinaldo College Generals sa ika­lawang laro.

ALTAS

ANTHONY SE

ARIC DEL ROSARIO

ARTHUR DELA CRUZ

BOYET FERNANDEZ

EARL SCOTTIE THOMPSON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FINAL FOUR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with