^

PSN Palaro

Rivera pakay ang gold sa bowling

Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea -- Sasabak sa aksyon sina veteran bowlers Biboy Rivera at Liza del Rosario sa 17th Asian Games taglay ang determinasyong makuha ang gintong medalya.

Sinabi ng 40-anyos na si Rivera, sumabak sa World Championship noong 2006 sa Busan, na maraming maaaring mangyari kaya hindi siya gaanong nagkukumpiyansa.

“Before coming here, we did all we could to be in top shape. But we are up against the best in the world. We are ready but in this sport, you never know. One slight mistake could cost you big,” ani Rivera na lalahok sa darating na  2014 World Cup sa Poland sa Nobyembre kasama si Del Rosario.

Ito ang pang-limang sunod na pagkakataon na sasabak si Rivera sa Asian Games at ang pi­na­kaeksperyensado sa men’s bowling team ka­sama sina Frederick Ong, Bonshir La­yoso at sina Asian Games rookies Elirico Hernandez, Jo Mar Jumapao at Kenneth Chua.

Noong 2010 sa Guangzhou Asiad sa China ay nag-uwi si Rivera ng gold medal sa singles competition bukod pa sa mga panalo nina boxer Rey Saludar ar cue artist Dennis Orcollo.

Sina Rivera, Del Rosario, Liza Clutario, Krizziah Tabora, Marian Posadas at rookies Ana Marie Kiac at Marie Alexis Sy ay ginagabayan nina local coaches Johnson Cheng at Jojo Ca­nare.

Katuwang nila si Japanese Madoka Amano.

 

ANA MARIE KIAC

ASIAN GAMES

BIBOY RIVERA

BONSHIR LA

DEL ROSARIO

DENNIS ORCOLLO

ELIRICO HERNANDEZ

FREDERICK ONG

GUANGZHOU ASIAD

RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with