^

PSN Palaro

Paul Lee pumirma na sa Rain or Shine bago magtungo sa Incheon, Korea

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, pinalantsa muna ni guard Paul Lee ang kanyang problema sa Rain or Shine bago sumama sa Gilas Pilipinas patungong Incheon, Korea para sa 17th Asian Games.

Sa halip na ang orihi­nal na alok na maximum deal na nagkakahalaga ng P15.1 milyon na may monthly salary na P420,000 ay mas pinili ng kampo ni Lee na pumirma ng isang two-year contract.

Ang bagong kontrata ni Lee ay nagkakahalaga ng P10.08 milyon.

Ang naturang hakbang ng grupo ni Lee ay indikasyon na itutuloy pa rin n­ila ang planong paglipat ng dating Red Warrior ng University of the East sa ibang koponan sa 2017.

Nakasama ni Lee sa pag­punta sa opisina ng Elasto Painters ang kanyang agent na si Lawrence Chongson.

Sa harap ni Atty. Ma­merto Mondragon, ang kinatawan ng Rain or Shine sa  PBA Board of Governors, ay nilagdaan ni Lee ang two-year deal.

“They have a valid rea­son, they said that the maximum salary might go up again after two years. So they’re keeping that option open,” sabi ni Mondragon sa kampo ni Lee.

Si Chongson ang nag­parating sa Rain or Shine ng paghiling umano ni Lee na mai-trade sa ibang ko­po­nan habang nasa Spain ang Gilas Pilipinas para sa 2014 FIBA World Cup.

ASIAN GAMES

BOARD OF GOVERNORS

ELASTO PAINTERS

GILAS PILIPINAS

LAWRENCE CHONGSON

LEE

MONDRAGON

PAUL LEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with