INCHEON, Korea -- Itatampok ng Thailand team para sa 17th Asian Games ang isang tunay na Prinsesa na nagnanais na makakuha ng gintong medalya.
Kakatawanin ni Princess Sirivannavari Nariratana, ang apo ni King Bhumibol Adulyadej, ang Thailand sa equestrian event sakay ng kabayong Prince Charming.
Sumabak na ang 27-anyos na Prinsesa sa Asian Games ngunit sa ibang sport.
Siya ay miyembro ng Thai badminton team noong 2006 Games sa Doha, Qtar kung saan tinanggihan niya ang anumang special treatment sa pamamagitan ng pagtira sa athletes’ village.
Bagamat nangangabayo na noong bata pa, sineryoso lamang si Princess Sirivannavari sa showjumping ilang taon na ang nakararaan habang nag-aaral ng fine arts at nagtatrabaho bilang isang fashion designer sa Paris.