MANILA, Philippines – Apat na ginto, anim na pilak at tatlong bronze medals ang napanaluhan ng Pilipinas sa Hong Kong International Memory Championships sa Lutheran Secondary School sa Waterloo Road, Hong Kong noong Setyembre 13 at 14.
Ang kauna-unahang Grandmaster sa Memory ng bansa na si Mark Anthony Castañeda ang namuno sa paghakot ng medalya nang nakatatlong ginto sa Speed Cards, Historic/Future Dates at Names and Faces. May pilak pa siya sa Spoken Numbers at dalawang bronze medals sa 30-Minute Binary at Speed Number.
Si GM Erwin Balines ang kumuha sa ikaapat na ginto ng bansa sa Abstract Images bukod sa apat na pilak sa 30-Minute Cards, Historic/Futures Dates,30-Minute Binary Digits and Names at Faces. May bronze pa siya sa 30-Minute Numbers.
Ang huling bronze ay ibinigay ni GM-Candidate Axel Labernilla sa Spoken Numbers.