^

PSN Palaro

UE puntirya ang playoff vs UST

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala nang importansya para sa mga sibak nang Tigers, Fighting Maroons at Falcons ang kanilang huling laro sa elimination round ng 77th UAAP men’s basketball tournament.

Ngunit para sa Red Warriors, ang panalo nila ang mangangahulugan ng pagpitas sa playoff ticket para sa No. 4 berth sa Final Four.

Lalabanan ng University of the East ang University of Sto. Tomas ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng University of the Philippines at Adamson University sa alas-4 sa Smart Araneta Coliseum.

Inangkin ng Ateneo De Manila University ang No. 1 seat sa Final Four sa likod ng kanilang 11-3 record kasunod ang nagdedepensang De La Salle University (10-4), Far Eastern University (10-4), National University (9-5), UE (8-5), UST (5-8), UP (1-12) at Adamson (0-13).

Ang Blue Eagles at ang koponang kukuha sa No. 2 spot ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa No. 4 at No. 3, ayon sa pagkakasunod, sa Final Four.

Paglalabanan ng Green Archers at Tamaraws ang No. 2 seat, habang makakamit naman ng Bulldogs ang No. 4 ticket kung matatalo ang Red Wariors sa Tigers.

Kung magwawagi ang UE ay magkakaroon sila ng playoff ng NU para sa ikaapat at huling silya sa Final Four kung saan makakatapat ng mananalo ang Ateneo.

Sumilip ng pag-asa sa playoff ang Red Warriors matapos gulatin ang Green Archers, 68-66, noong Set­yembre 10 para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Nakalasap naman ang Tigers ng 64-75 pagyuko  sa Bulldogs sa kanilang huling laro.

ADAMSON UNIVERSITY

ANG BLUE EAGLES

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

FIGHTING MAROONS

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

RED WARRIORS

UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with