^

PSN Palaro

Pagsusumite ng Gilas line-up sa Asiad ‘di mamadaliin ni Reyes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinabi ni Philippine Na­tional basketball team coach Chot Reyes na hindi siya nagmamadali sa pagsusumite ng Gilas’ final 12-man lineup sa Asian Games Organizing Committee.

Ito ay dahil ang deadline ay nakatakda isa o da­lawang araw bago ang kompetisyon.

Nagdaos si Reyes ng unang team practice ng Gilas noong Sabado matapos dumating mula sa kanilang kampanya sa FIBA World Cup sa Spain.

Hindi dumating si Paul Lee  ngunit sumipot naman kinabukasan.

Nabigo namang ma­ka­sama si Japeth Aguilar noong Linggo subalit nag-ensayo noong Lunes.

Si Jayson Castro ay dumating at nakatakdang sumailalim sa isang MRI para sa kanyang tuhod.

“We can’t go full-court because guys are still recovering from Spain,” sabi ni Reyes.

Magtutungo ang Gilas sa Asian Games sa Set­yembre 20 at lalabanan ang lider sa Group B qualifying round sa 5,158-seat Hwaseong Sports Complex sa Incheon sa Set­yembre 23.

Ang Group B ay kina­bibilangan ng Saudi Arabia, Kazakhstan, Palestine at India. Inaasahang makakatapat ng Gilas sa unang laro ay ang Kazakhstan.

Muling sasabak sa ak­syon ang Gilas sa Setyembre 25 laban sa Iran.

Ang top two finishers sa hanay ng Pilipinas, Iran at Group B leader ang aabante sa quarterfinal round kasama ang top two pla­cers ng tatlo pang brackets.

Ang eight quarterfina­lists ay hahatiin sa dalawang grupo na may tig-apat na koponan at ang top two finishers ng bawat bracket ay papasok sa knockout semifinals.

Maglalaro ang mga semifinal winners para sa gold medal sa Oktubre 3 sa 7,406-seat Samsan World Gym.

Kung makakapasok ang Gilas sa quarterfinals ay maglalaro sila sa Set­yembre 26, 27 at 28.

Ang semifinals ay idaraos sa Oktubre 1.

Kumpara sa FIBA tournaments, pinapayagan sa Asian Games ang pagpapalit ng player.

ANG GROUP B

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

CHOT REYES

GROUP B

HWASEONG SPORTS COMPLEX

JAPETH AGUILAR

KAZAKHSTAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with