^

PSN Palaro

Bronze sa France sa World Cup

Pilipino Star Ngayon

MADRID--Inangkin ng European champions na France ang bronze medal sa Basketball World Cup mula sa pagbibida ni Nicolas Batum sa kanilang 95-93 panalo laban sa Lithuania.

Sa kanilang inulit na 2013 European championship final, nakahugot ang French ng 27 points mula sa 25-anyos na shooting guard na si Batum.

Nauna nang kinuha ng Lithuanians ang 71-64 lead sa pagtatapos ng third quarter ngunit naghulog naman ng 16-4 run ang France sa pagsisimula ng fourth period para agawin ang unahan.

Nagsalpak si Batum ng dalawang free throws sa huling tatlong segundo para sa unang World Cup podium finish ng French na hindi nakuha ang serbisyo ni four-times NBA champion Tony Parker ng San Antonio Spurs.

Ang kakampi ni Parker sa Spurs na si Boris Diaw ay tumipa ng 15 points at nagdagdag ng tig-13 sina power forward Joffrey Lauvergne at playmaker Thomas Heurtel.

Samantala, nakatakda namang labanan ng nagdedepensang United States ang Serbia para sa gold medal sa Madrid’s City Arena.

BASKETBALL WORLD CUP

BATUM

BORIS DIAW

CITY ARENA

JOFFREY LAUVERGNE

NICOLAS BATUM

SAN ANTONIO SPURS

THOMAS HEURTEL

TONY PARKER

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with