Serbia kakasa sa US sa World Cup Finals

MADRID--Hindi nakakaramdam ng kaba ang Serbia sa gagawing pakiki­pagtuos sa USA para sa FIBA World Cup title dito.

Nakuha ng Serbians ang karapatan na labanan ang walang talo at nagdedepensang kampeon US sa 90-85 panalo sa France  noong Biyernes.

“Now our confidence is high and OK, we have a chance, maybe some pla­yers never get this chance to play against US, great US team in the final of the World Cup. It’s unbelie­vable chance to do something great in our lives,” wika ni Nenad Krstic na dating naglaro sa NBA.

Walang nag-akala na aabot sila sa championship round dahil nakasali ang Serbia nang nalagay bilang se­venth place sa European qualifier.

May 2-3 karta rin ang koponan sa Group A at sinuwerteng kinuha ang ikaapat at huling puwesto sa knockout round.

Nag-iba ang laro ng Serbia sa puntong ito at nauna nilang sinibak ang Greece, 90-72, at Brazil, 84-56, bago isinunod ang France na siyang dumurog sa puso ng Spaniards nang patalsikin ang host sa quarters.

Ang ganitong pag-u­ugali papasok sa finals laban sa patok na US ay maaaring makatulong para maitala ang pinakamala­king upset sa basketball sa mahabang panahon.

 

Show comments