^

PSN Palaro

2-NBA unrestricted free agents sali sa PBA D-League Rookie Draft

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakamit ng 12 kasaling koponan sa PBA D-Lea­gue ang hangaring mapalakas ang tsansa sa titulo sa makukuhang bagong manlalaro gamit ang drafting.

Sa Lunes, sa PBA office sa Libis, Quezon City, gagawin ang unang aktibidades para sa 2014-15 season ng liga at tiyak na puno ng talento ang makukuhang manlalaro dahil sa pagpasok ng mga Fil-foreigners at mahuhusay na collegiate players.

Nasa 155 ang bilang ng pagpipilian at tiyak na ang mata ay nakatuon kay Fil-Tongan Moala Tautuaa.

Si Tautuaa ay isang 6’7 center na ngayon ay nag­la­laro sa KL Dragons sa ASEAN Basketball League at naghahatid ng 11.73 puntos, 7.36 rebounds at 1.45 assists matapos ang 11 laro.

Inaasahang ang mata ay ipupukol din kina 5’11 guard Jerramy King na nasama pero hindi napili  sa 2014 NBA Draft,  Leo de Vera, Chris Newsome at Joseph Eriobu Jr. na naglalaro sa San Sebastian, Ateneo at Mapua sa UAAP at NCAA, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naman magpapahuli ang homegrown talents dahil nasa listahan sina Almond Vosotros, Arnold Van Opstal at Yutien Andrada ng La Salle, Nico Elorde at Von Pessumal ng Ateneo, Roi Sumang ng UE, Bradwyn Guinto ng San Sebastian, Andrew Estrella ng Mapua, Javee Mocon at John Ludovice ng San Beda.

May 12 teams  ang magtutuos sa unang conference na magbubukas sa Oct.  27 at anim dito ang regular teams.

Ang Cagayan Valley ang siyang may tangan sa number one pick bago sumunod ang Tanduay Light (dating Boracay Rhum), Café France, Cebuana Lhuillier, Jumbo Plastic at Wangs Basketball.

Ang mga bagong koponan ay ang AMA University, Bread Story, Hapee Toothpaste, M-Builders, MP Hotel at Racal Motorsales Corp. Idedetermina ang kanilang ran­king sa pagpili sa isang lottery na gagawin bago simulan ang drafting. (ATan)

ALMOND VOSOTROS

ANDREW ESTRELLA

ANG CAGAYAN VALLEY

ARNOLD VAN OPSTAL

ATENEO

BASKETBALL LEAGUE

BORACAY RHUM

BRADWYN GUINTO

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with