MANILA, Philippines – Natunghayan ang Lotus F1 driving exhibition ni racing champion Marlon Stockinger kamakailan na idinaos sa Globe Slipstream sa Bonifacio Global City.
Tinaguriang ‘Prince of Speed’, ipinarada ni Stockinger ang pamosong Lotus WSR Gravity Charouz Formula Renault na kanyang ginagamit bilang miyembro ng Lotus F1 junior team sa premyadong Formula 1 race.
Bukod sa kasiyahan nang personal na makita ang mga sasakyan sa world class races, personal ding naranasan ng racing aficionados ang pakiramdam na makasakay sa humaharurot na sasakyan sa pamamagitan ng race car stimulator at ang speed challenge.
Itinampok din sa Slipstream ang iba’t ibang booths na naglalaman ng mga produkto ng Globe, fun games at give-aways.
Napanood din ang parada ng mga mamahaling sasakyan, at ang dinumog na celebrity karting challenge.
Isang concert party sa BGC Amphitheater ang nagpataas ng kasiyahan sa crowd tampok ang Dualist Inquiry, American dance-punk band Chk Chk Chk, bandang Up Dharma Down, Yolanda Moon at Autotelic
“Globe Slipstream brought one of the world’s fastest sports headlined by one of the fastest-driving young drivers in the world at the country’s fastest-developing business hub powered by the nation’s fastest and most modern network,” sabi ni Peter Bithos, ang Chief Operating Advisor ng Globe.
Ipinagdiwang din ang nakamit na tagumpay ng nangungunang telecommunications company sa bansa matapos mailunsad ang 3G network at inaasahang makakamit ang mas mabilis at kapaki-pakibanang na koneksyon gamit ang 4G HSPA network coverage bago sumapit ang taong 2015.