Bibiano dalawang titulo ang kinuha sa Visayas Leg ng National Badminton

MANILA, Philippines – Inangkin ni April Dianne Bibiano ang dalawang titulo sa 1st Sun Cellular-Ming Ra­mos National Juniors Bad­minton Tournament Vi­sayas leg na idinaos sa Ra­quet Zone Badminton Cen­ter, Montebello Villa Ho­tel Compound Apas sa Cebu City.

Tinalo ni Bibiano ng Uni­versity of St. La Salle ang kaeskuwelang si Aizyl Joy Anuales sa championship round, 21-10, 21-9, pa­ra angkinin ang girls’ 19-under singles title sa tor­neong pinalakas ng Forthright Events.

Nakamit ni Bibiano ang kanyang ikalawang korona nang makipagtambal kay Dhessa Mae Arino sa girls doubles 19-under at binigo sina Elca Marie Gidaya at Ca­na Isabelle Solon ng Si­liman University sa finals, 21-3, 21-4.

Ang three-day Visayas leg tournament ay suportado ng Sun Cellular, SMART Communications, Manny V. Pangilinan (MVP) Sports Foun­dation, Philippine Bad­minton Association Smash Pilipinas at Babolat.

Iginupo ni Emilio Ma­ngu­bat Jr. ng Whackers Bad­minton Club si Dexter Opalla ng UCBC sa finals, 21-14, 21-11, para kunin ang boys’ 19-under singles crown at isinunod ang boys’ 17-under singles title mula sa pagresbak kay Ryan Do­romal ng Southwestern University sa finals, 21-11, 21-7.

Giniba naman ni Android Rose Tiongson ng Southwestern University si Tricia Opon sa finals, 11-21, 21-14, 21-13, para sa girls’ 17-under singles.

Show comments