MANILA, Philippines – Kukuha ng matatangkad na sparring partners si chief trainer Freddie Roach para sa paghahanda ni Manny Pacquiao laban kay Chris Algeiri.
Sa taas na 5-foot-10 at may mas mahabang galamay, taglay ng 30-anyos na si Algeiri ang height at reach advantage laban sa 5’6 at 35-anyos na si Pacquiao sa kanilang bakbakan sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
“We’ve got sparring partners that have a good height, a lot of tall guys coming in, I think that’s the biggest thing,” sabi ni Roach.
May maganda ring jab si Algieri at kagaya ni Pacquiao ay isa ring kaliweteng boksingero.
“He’s got a good jab. He’s left-handed so he leads with his power hand, his right hand is not strong but we’ll be prepared to take that jab away from him,” ani Roach.
Itataya ni Pacquiao (56-5-2, 38 knockouts) ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Algieri (20-0-0, 8 KOs).
Sinabi ni Pacquiao na kung makakasilip siya ng pagkakataon ay pababagsakin niya si Algeiri.
Huling nagtala ng KO victory si Pacquiao noong Nobyembre 14, 2009 kung saan niya pinasuko si Miguel Cotto sa 12th round para agawin ang WBO welterweight title ng Puerto Rican fighter.
Kung mananalo kay Algieri ay bababa si Pacquiao sa light welterweight division na kanyang natural na weight category.
“That’s my natural weight (140 lbs.) It’s not hard to make weight. Any fighter has a chance to fight with me but right now we have to focus on the Algieri fight,” sabi ni Pacquiao.
Ang kampeong si Danny Garcia ng Golden Boy Promotions ang posibleng makatapat ni Pacquiao, nasa bakuran ng Top Rank Promotions, sa kanyang pagbaba ng weight class matapos ang welterweight fight niya kay Algieri.