Laro Bukas
(The Arena, San Juan)
12 nn EAC vs San Beda (Jrs/Srs)
4 p.m. San Sebastian vs Letran (Srs/Jrs)
MANILA, Philippines - Ipinalasap ng St. Benilde Blazers ang ikalawang sunod na pagkatalo sa Arellano Chiefs sa pamamagitan ng 106-97 tagumpay na nagpasok sa koponan sa unang apat na puwesto sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Sinandalan ng Blazers ang mainit na paglalaro sa ikatlong yugto bagay na hindi na nila binitiwan pa para tuhugin ang ikasiyam na panalo matapos ang 14 laro para solohin ang ikaapat na puwesto.
Bumaba ang Chiefs sa 9-4 karta at hindi lamang nila binuksan ang pintuan sa host Jose Rizal University Heavy Bombers na sumalo sa pangalawang puwesto kungdi lamang na lang sila ng isang laro sa Blazers para manganib ang asam na unang dalawang puwestong pagtatapos sa elimination round.
Tumipa si Paolo Taha taglay ang 27 puntos bukod sa 11 rebounds at anim na assists habang may 23 puntos si Mark Romero.
Ginamit ng Blazers ang magandang shooting sa 3-point line sa 11-of-22 shooting, bukod pa sa 13 puntos mula sa 17 attempts sa charity stripes.
May dalawang tres si Mark Romero para pangunahan ang apat na ginawa ng Blazers matapos hawakan ng Chiefs ang 78-75 abante.
Si Dioncee Holts ay may 31 puntos para banderahan ang apat na manlalaro na nasa doble pigura pero ramdam ng bataan ni coach Jerry Codiñera ang di paglalaro ni point guard Jiovani Jalalon dahil nawala ang diskarte nang lumayo ang Blazers.
St. Benilde 106 -- Taha 27, Romero 23, Ongteco 19, Nayve 13, Grey 8, Bartolo 6, Sinco 5, Jonson 3, Pajarillaga 2, Saavedra 0.
Arellano 97 -- Holts 31, Nicholls 23, Agovida 14, Hernandez 10, Pinto 9, Ciriacruz 6, Gumaru 2, Enriquez 2,.
Quarterscores: 20-28, 44-49, 71-71, 106-97.