MANILA, Philippines - Patuloy ang pananalasa ng nagdedepensang Centro Escolar University at host St. Claire College of Caloocan nang nagwagi sa hiwalay na laro ng 14th NAASCU men’s basketball noong Biyernes sa Makati Coliseum.
Gumana agad ang laro ng Scorpions tungo sa madaling 93-59 panalo sa Rizal Technological University Thunder para sa kanilang ika-10 sunod na panalo.
Lumayo agad ang Scorpions sa 25-10 matapos lamang ang unang yugto para manatiling lider sa liga.
Si Samboy de Leon ay naghatid ng 17 puntos para sa Scorpions.
Sumandal ang Saints sa mainit na paglalaro nina Jam Jamito para sa 60-55 tagumpay sa Our Lady of Fatima University Phoenix.
May 16 puntos at 14 rebound si Jamito at siya ang umako sa huling limang puntos ng St. Claire matapos makatabla ang Phoenix sa 55-all.
Ito ang ika-siyam na sunod na panalo ng Saints sa 10 laro para manatiling nakadikit sa Scorpions.