Laro Ngayon
2 p.m. Senegal
vs Philippines (8 p.m. Manila time)
5:30 p.m. Croatia vs Puerto Rico
8 p.m. Argentina
vs Greece
SEVILLE, Spain--Sa pagkakalasap ng ikaapat na sunod na kabiguan ay tuluyan nang nasibak ang Nationals sa 2014 FIBA World Cup.
Napuwersa sa mga krusyal na turnovers at mintis na three-point shots sa dulo ng fourth quarter, isinuko ng Gilas Pilipinas ang 77-73 kabiguan sa Puerto Rico sa Group B sa Palacio Municipal de Deportes San Pablo.
Nagposte ang Nationals ng isang 14-point lead sa first half bago naagaw ng Puerto Ricans, may 1-3 record ngayon, ang unahan sa pagtatapos ng third period, 61-57.
Sa likod ng dalawang sunod na 3-point shots nina LA Tenorio, umiskor ng 13 points sa first half, at naturalized center Andray Blatche ay muling napasakamay ng Gilas Pilipinas ang abante, 70-67, sa 3:34 minuto ng final canto.
Ngunit ipinakita ni 5-foot-11 point guard JJ Barea ang kanyang pagiging isang NBA player nang tumipa ng isang tres at drive matapos ang turnover ni Blatche na nagbigay sa Puerto Rico ng 72-70 abante sa huling 51.8 segundo.
Ang tumalbog na tres ni Ranidel De Ocampo ang nagresulta sa dalawang free throws ni Barea buhat sa foul ni Gabe Norwood para ilayo ang Puerto Ricans sa 74-70 sa nalalabing 34.1 segundo.
Huling nakalapit ang Nationals sa 73-75 agwat mula sa tatlong free throw ni Jimmy Alapag sa 4.5 segundo kasunod ang dalawang charities ni 6’11 forward Ricky Sanchez sa natitirang 3.2 segundo.
Nauna nang natalo ang Nationals sa Croatia via overtime, 78-81; sa Greece, 70-82; at sa Argentina, 81-85, sa Group B.
Nakatakdang labanan ng Gilas Pilipinas ang Senegal, pinalakas ng ilang 6-foot-11 players, kasama si Minnesota Timberwolves center Gorgui Dieng na humakot ng 27 points at 8 rebounds sa 77-75 paggitla sa Croatia.
Sa iba pang resulta, pasok na ang host Spain at Greece sa round of 16.
May 26 puntos at 9 rebound si Pau Gasol para sa 82-63 panalo sa Brazil tu-ngo sa 3-0 karta sa Granada. Pwede nilang walisin ang Group A kung magwagi sa France at Serbia.
Tinapatan ng Greece ang malinis na karta ng Spain sa 90-79 panalo sa Puerto Rico na ginagawa sa Seville.
Hindi inakala na ganito kaganda ang ipakikita ng Greece na nakasali sa liga bilang wild card.