Pinas malaki ang tsansa sa ginto sa Incheon - Garcia
MANILA, Philippines – Ipinahayag kahapon ni Philippine Sports Commission Chairman Richie Garcia na malaki ang tsansa ng bansa sa nalalapit na Asian Games sa Incheon, Korea na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
“Buo yung dibdib ng mga atleta natin, that’s the reason kung bakit nananalo,” pahayag ni Garcia sa Philippine Sportswriters Association Forum sa Shakey’s Malate, Manila.
“We have athletes in the list, like (Dennis) Caluag para sa BMX, windsurfing, boxing, taekwondo, bowling, archery, basketball,” dagdag ni Garcia sa mga events na posibleng makasungkit ng ginto ang bansa.
Sa pagkapanalo ni archer Gabriel Moreno sa katatapos na Youth Olympic Games sa Nanjng, China, naniniwala si Garcia na kakayanin ng mga atleta ang labanan sa Asian Games.
“We are very confident to win the gold in Asian Games,” ani Philippine Archers National Network and Alliance president Federico Moreno tungkol sa tsansa sa ginto.
- Latest