^

PSN Palaro

St. Benilde aasinta ng panalo vs Baste

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos matisod sa huling laro, susubok uli ang St. Benilde Blazers na bumangon sa pagharap sa namemeligro ng San Sebastian Stags sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Nawala sa porma ang Blazers nang makasagupa ang four-time defending champion San Beda Red Lions, 54-78, para bumaba ang koponan mula sa pakikisalo sa ikatlong puwesto tungo sa ikalimang puwesto sa 7-5 karta.

Nagwagi ang Perpetual Help Altas at host Jose Rizal University Heavy Bom­bers noong Lunes para manatiiling okupado ang pangatlong puwesto sa 8-4 karta kaya’t kaila­ngang manalo ang Bla­zers sa ganap na alas-2 ng hapon na tunggalian para hindi makalayo ang dalawang hinahabol na koponan.

Ang tampok na laro dakong alas-4 ay sa hanay ng Letran Knights at Emilio Aguinaldo College Ge­nerals na mga koponang nasa huling hati sa teamstandings.

Napapabor ang Knights na maipaghiganti ang 72-81 pagkatalo sa unang pag­tutuos dahil hindi pa tiyak kung handa nang maglaro si Noube Happi na may iniindang back injury.

Nasa pangalawa sa huling puwesto ang Stags sa 3-9 karta at may katiting pang tsansa na umusad sa semis pero dapat na walisin nila ang natitirang anim na laro at umasang ang ibang koponan maliban sa San Beda, ay hindi lumagpas ng siyam na panalo.

Mas madaling sabihin na mananalo ang Stags kaysa sa gawin ito dahil wala ang  dating tikas ng ko­­po­nan dahilan upang ma­talo sila sa huling walong laro.

Ang liwanag na puwedeng gamitin ni coach Topex Robinson ay ang kinuhang 74-72 panalo sa Blazers na nangyari noon pang Hulyo 11.

Tiyak na gagawin ng Blazers ang lahat ng makakaya para mabalikan ang Baste.

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GE

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOM

LETRAN KNIGHTS

NOUBE HAPPI

PERPETUAL HELP ALTAS

SAN BEDA

SAN BEDA RED LIONS

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with