Gilas bigo kontra Greece
MANILA, Philippines – Kinapos ang Gilas Pilipinas laban sa naglalakihang koponan ng Greece, 82-70, sa 2014 FIBA World Cup sa Seville, Spain ngayong Lunes.
Kahit dehado sa buong laban ay hindi basta-basta ibinigay ng Gilas ang panalo sa kasalukuyang no. 5 na koponan sa buong mundo.
Hindi man lamang nakatikim ng kalamangan ang Pilipinas, kung saan nalubog pa sila ng 17 puntos, 46-29, sa ikatlong yugto ng laban.
Hindi naging sapat ang double-double performance ng naturalized center na si Andray Blatche na tumipa ng 21 points at 14 rebounds upang makuha ang kauna-unahang panalo ng Pilipinas sa world stage.
Samantala, kahit natalo ay masaya pa rin ang head coach na si Chot Reyes sa ipinakita ng kanyang mga bata.
"We're crushed with the loss, but I'm still happy with the effort," wika ni Reyes.
Nasa ilalim ng group B standings ang Gilas tangay ang 0-2 panalo-talo na kartada katabla ang Puerto Rico, habang nangunguna naman ang mga nakatalo sa Pilipinas na Croatia at Greece hawak ang 2-0 slate.
Tangkang sungkitin ng Pilipinas ang kanilang unang panalo mamaya kontra Argentina (1-1) ganap na 11:30 ng gabi.
- Latest