Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. La Salle vs Adamson
4 p.m. NU vs UE
MANILA, Philippines - Hindi naging problema sa Tamaraws ang hindi pag-upo ni head coach Nash Racela sa kanilang bench.
Inangkin ng Far Eastern University ang playoff para sa Final Four matapos talunin ang sibak nang University of the Philippines, 75-69, sa second round ng 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Bukod sa playoff sa Final Four ay patuloy na sinolo ng FEU ang liderato sa kanilang pang-siyam na panalo sa 11 laro.
Nauna nang tinalo ng Tamaraws ang nagdedepensang La Salle Green Archers, 74-70, noong Miyekules kasunod ang pagbiyahe ni Racela patungong Spain para sa kanyang papel sa coaching staff ng Gilas Pilipinas na naglalaro sa 2014 FIBA World Cup.
Sa panalo sa Fighting Maroons ay umiskor si Achie Inigo ng limang puntos sa huling dalawang minuto para sa kanilang pang-siyam na panalo.
Bago ito, tumipa si Diego Dario ng isang three-point shot para sa 69-68 abante ng UP sa huling 2:20 minuto sa final canto kasunod ang tres ni Inigo para ilagay sa unahan ang FEU, 71-69, sa 1:41 minuto.
Kumamada si Mike Tolomia ng 19 points para sa Tamaraws, habang may 14 si Mark Belo at 11 si Anthony Hargrove.
Sa ikalawang laro, inangkin ng Ateneo De Manila University ang ikalawang puwesto matapos talunin ang University of Sto. Tomas, 69-58.
Umiskor si Kiefer Ravena ng game-high na 23 points para sa 8-3 record ng Blue Eales kasunod ang 14 ni Chris Newsome.
FEU 75 – Tolomia 19, Belo 14, Hargrove 11, Inigo 8, Pogoy 7, Cruz 7, Lee Yu 5, Jose 4, Tamsi 0, Ugsang 0.
UP 69 – Gallarza 18, Reyes 14, Dario 10, Moralde 9, Juruena 8, Lao 4, Gingerich 3, Vito 3, Harris 0.
Quarterscores: 19-18; 35-35; 53-52; 75-69.
Ateneo 69 – Ravena 23, Newsome 14, Elorde 7, Apacible 7, Tolentino 6, Pessumal 6, Babilonia 3, Capacio 2, Lim 1, Gotladera 0
UST 58 – Abdul 17, Vigil 14, Mariano 12, Basibas 5, Subido 4, Gayosa 4, Daquioag 2, Sheriff 0, Lo 0.
Quarterscores:19-13; 38-30; 50-46; 69-58.