^

PSN Palaro

Orcollo-Corteza tandem pahihirapan ng US team

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi magiging madali ang puntiryang makasay­sayang ikaapat na World Cup of Pool title nina Dennis Orcollo at Lee Van Corteza dahil may mga bigating manlalaro ang naghayag ng kahandaan na agawin ang kampeonato.

Sa Setyembre 23 hang­gang 28 gagawin ang tagisan sa Mountbatten Centre sa Portsmouth, United Kingdom at isa na sa pagpahayag ng kahandaan na manalo ay ang US team na binubuo nina Earl Strickland at Shane Van Boening.

Sa unang edisyon no­ong 2006 naitala ng US ang pinakamataas na pagtatapos sa torneo nang pu­mangalawa sina Strickland at Rodney Morris kina Filipino cue artists Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante.

Si Strickland ay magbabalik sa koponan at ma­kakatambal niya sa pagkakataong ito si Van Boening.

“My last appearance was in 2006 when I teamed up with Rodney Morris and we reached the finals of the inaugural World Cup. This time with myself and Van Boening, we look forward to winning the Cup for USA,” pahayag ni Strickland sa Azbilliards.

Palaban din ang dalawang teams mula sa host England na binubuo nina Darren Appleton-Karl Bo­yes (A) at Daryl Peach-Chris Melling (B).

Kasali rin sina Niels Feijen at Nick van den Berg ng Holland at ang dalawa ay magbabalak na buma­ngon matapos matalo kina Orcollo at Corteza sa finals.

May 32 teams ang ka­­sali at paglalabanan ni­la ang kabuuang $250,­000.00 pot. (ATan)

DARREN APPLETON-KARL BO

DARYL PEACH-CHRIS MELLING

DENNIS ORCOLLO

EARL STRICKLAND

LEE VAN CORTEZA

MOUNTBATTEN CENTRE

RODNEY MORRIS

SHY

VAN BOENING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with