^

PSN Palaro

IAGOC may kuwestiyon kay Blatche

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginagawa ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga hakbang pa­ra matugunan ng mali­naw ang klaripikasyon na ginagawa ng Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) kay na­turalized center Andray Blatche.

Sa text message na ipi­nadala ni SBP executive director Sonny Barrios kahapon, sinabi niya na ka­hit siya ay nasa Spain nga­yon para suportahan ang Gilas Pilipinas na kakam­panya sa FIBA World Cup ay pa­­tuloy ang pakiki­pag-ug­nayan niya sa mga naiwang SBP officials sa Manila para hindi malagay sa alanganin ang hangarin ng bansa na mapaglaro si Blatche.

“POC asked SBP to sub­mit position paper. We’re conferring with POC and that is what we have so far. We can’t release ahead to media what we need to sub­mit to the POC, asking for your kind understanding,” wika ni Barrios.

Nagpadala ng liham ang IAGOC sa POC para hi­ngian pa ng dagdag na pru­weba hinggil sa residency ni Blatche.

Si Blatche ang ikalawang naturalized player ng Gi­las kasunod ni Marcus Douthit at nangyari ito nang lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship sa 6’11 player no­ong Hunyo.

Kasama si Blatche ng Gi­las sa FIBA World Cup at makakapaglaro siya da­­hil ang kompetisyon ay pi­­natatakbo ng international federation na FIBA.

Pero nalalagay pa sa ala­nganin ang pagsali ni Blatche sa Asian Games na bubuksan na sa Set­yembre 19 dahil may batas ang namamahala ng pala­ro na Olympic Council of Asia (OCA) na dapat ay na­ni­nirahan na sa bansa ang in­dibidwal na ginawang na­turalized player.

Naunang sinabi ni OCA Asian Games department Haider Farman na mahigpit na ipaiiral ang residency re­quirement sa palaro sa idinaos na Technical Dele­gates Joint Meeting.

Hanap ng Pilipinas na ma­­pantayan kundi man ay ma­higitan ang pilak na hi­nablot sa FIBA Asia Men’s Championship noong 2013 sa Manila. (ATan)

ANDRAY BLATCHE

ASIA MEN

ASIAN GAMES

GILAS PILIPINAS

HAIDER FARMAN

INCHEON ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

JOINT MEETING

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with