MANILA, Philippines - Para mabigyan ng sapat na panahon ang mga gustong lumahok ay inilipat sa Setyembre 13 ang pagpapakawala ng 2-in-1 footrace sa Quezon Memorial Circle, Elliptical Road sa Quezon City.
Ang event ay naglalayong makatulong sa mga batang kalsadang may sakit, kasama na ang pag-dialysis ng isang print media advocate.
May may temang “Tayo na, Takbo Tayo, mag-ehersisyo habang umuulan”, ito ay tatampukan ng 10-km at 5-km events.
Ang registration fee sa 5-km. ay P550 at P600 sa 10-km na may isang libreng pantakbo ang 10 katao o tropang magpapatala na may kasama ring singlet at freebies.
May diskuwento ang mga Senior Citizen at mag-aaral na magpapatala sa sa halagang P400 na lang bilang butaw kung magpapakita ng mga opisyal na school I.D.at Sr. Citizen cards.
Para sa iba pang detalye ay maaaring tumawag sa cellphone na 0930-2550776 / 0932-3971285 o mag-email sa rnmcony@yahoo.com.ph.