^

PSN Palaro

Aroga nagpakilala sa panalo ng NU

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa nakaraang dalawang panalo ng mga Bulldogs, ang pangalan ni Cameroonian import Alfred Aroga ang nagbibida.

Nagposte si Aroga ng mga averages na 11 points, 11.5 rebounds at 5.0 blocks per game para itabla ang National University sa Ateneo De Manila University sa ikalawang puwesto ng 77th UAAP men’s basketball tournament.

Sapat na ito para hira-ngin siya bilang UAAP Press Corps-Accel Quantum Plus/3XVI Player of the Week.

Humakot si Aroga ng 15 points, 11 boards at season-high 8 blocks sa 76-66 panalo ng NU laban sa Ateneo noong Linggo para sa magkatulad nilang 7-3 record.

Ang kanyang 8 blocks ang tumabla sa hinablot ni dating King Tamaraw Arwind Santos para sa Far Eastern noong 2003.

“I was really prepared for this game,” wika ni Aroga, pumalit kay dating Mythical Team winner Emmanuel Mbe sa shaded lane para sa Bulldogs ngayong season.

Bago ang panalo sa Eagles ay umiskor ang Bulldogs ng 71-50 panalo sa Adamson Falcons noong nakaraang Miyerkules.

Sa nasabing 21-point  lead kontra sa Adamson, kumolekta si Aroga ng 12 rebounds, 7 points at 2 blocks.

Tinalo ni Aroga para sa weekly honor na suportado ng Bactigel Hand Sanitizer, Mighty Mom Dishwashing at Dr. J Rubbing Alcohol sina Roger Pogoy ng FEU at Almond Vosotros ng La Salle.  

ADAMSON FALCONS

ALFRED AROGA

ALMOND VOSOTROS

AROGA

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BACTIGEL HAND SANITIZER

DR. J RUBBING ALCOHOL

EMMANUEL MBE

FAR EASTERN

KING TAMARAW ARWIND SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with