NANJING --Hindi man lamang nakalapit si Ava Lorein Verdeflor sa medal podium sa all-around event ng women’s gymnastics sa 2014 Youth Olympic Games.
Ngunit nakahanap ng dahilan ang 15-anyos na si Verdeflor, mula sa Plano, Texas, para ngumiti matapos ang kanyang 11th place finish sa 13,000-seat Olympic Sports Center Gymnasium.
Ang YOG ang pinakamalaking event na nasalihan ni Verdeflor, nakakuwalipika matapos pumang-lima sa 22 entries sa nakaraang Asian Championships sa Uzbekistan.
Tanging siyam na gymnastics mula sa Asia ang nakarating dito sa Nanjing.
“I’m very proud of how I did. I was able to make it here and compete for the Philippines,” sabi ni Verdeflor matapos ang all-around finals na napagwagian ni Seda Tutkhalyan ng Russia.
“I was kind of disappointed because I could have done better,” ani Verdeflor na may all-around score na 49.800. Nagtala si Verdeflor, ang mga magulang ay parehong Filipino, ng 12.450 sa bars, 12.850 sa beam, 11.600 sa floor at 12.900 sa vault.
Si Verdeflor ay kasama pa sa finals ng uneven bars na lalaruin bukas.