Media tour nina Pacquiao, Algieri sisimulan sa Lunes

MANILA, Philippines - Sisimulan nina world welterweight champion Manny Pacquiao at challenger Chris Algieri ang isang two-week media tour para paingayin ang kanilang laban sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Kasama sa 12-day tour ang kanilang mga press conferences at public apperances’ sa Shanghai, San Francisco, Las Vegas, Los Angeles at New York.

Pakakawalan ang media tour nina Pacquiao at Algieri sa Lunes sa Florence Ballroom ng The Venetian.

Kinabukasan ay magtutungo naman sina Pacquiao at Algieri sa press confe­rence sa Ballroom C ng She­raton Shanghai Pudong Hotel sa China.

Sa Agosto 29 ay bibiyahe ang 5-foot-6 1/2 na si Pacquiao at ang 5’10 na si Al­gieri sa US para sa kanilang media day kasama ang San Francisco Giants sa AT&T Park sa San Francisco.

Kasama sa naturang US tour ang kanilang mga press conference sa The Venetian Las Vegas (sa Agosto 30, sa Hyatt Regency Century Plaza Hotel sa Los Angeles sa Setyembre 3 at Setyembre 4 sa Liberty Theatre sa New York City.

Inihayag din ng Top Rank Promotions na magdaraos si Pacquiao ng unang ceremonial pitch para sa laro ng Los Angeles Dodgers at ng Washington Nationals sa Dodger Stadium sa Setyembre 1.

 

Show comments