Thompson, Arboleda angat na sa MVP race

MANILA, Philippines - Dalawang manlalaro ng Perpetual Help Altas ang nangunguna sa ka­rera para sa Most Valua­ble Player sa 90th NCAA men’s basketball.

Matapos ang first round, sina Earl Scottie Thompson at Harold Arbo­leda ang mga namamayagpag habang ang kakamping si Juneric Baloria ang nasa ikalimang puwesto para katampukan ang magandang ipinakikita ng koponan.

Nakalikom si Thompson ng 57 total statistical points matapos maghatid ng fourth best 17.33 puntos, fifth best 11 rebounds, second best 5.56 assists at second best 2.11 steals.

May 49.56 TSP si Arbo­leda matapos maghatid ng 14.11 puntos (8th), 9.44 rebounds (8th) at 5 assists (5th).

Si Baloria na siyang number one scorer sa 22.22 puntos, ay may 43.56 TSP, para sundan sina San Beda Red Lions center Ola Adeogun at Arellano Chiefs guard Jiovani Jalalon.

May 47 TSP si Adeogun na nangunguna sa blocks (2.25) habang si Jalalon na number one sa assists (6) at steals (3) ay may 46.89 TSP.

Show comments