Batang Gilas tumapos ng 15th place sa FIBA U17

DUBAI - Inangkin ng Philippine Team ang ika-15 posisyon matapos talunin ang United Arab Emirates, 115-51, sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa FIBA U17 World Championship  dito sa Al Shabab Arena.

Nakamit ng Batang Gilas ang ika-15 puwesto sa naturang 16-nation tournament na muling dinomina ng United States sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Nakamit ng koponan ang tiket sa world stage matapos sumegunda sa FIBA Asia U16 Championship.

Natalo ang Batang Gilas ng average na 26.1 points sa US, Greece, France at Argentina.

Nauna nang natalo ang Batang Gilas sa Egypt para sa labanan sa pang-13 hang­gang pang-16 posis­yon sa torneo.

Philippines 115 -- Desi­derio 25, Dela Cruz 15, Nieto Mike 15, Dario 13, Padilla 12, Navarro 8, Nieto Matt 7, Escoto 6, Go 5, Panlilio 5, Abadeza 4, Mendoza 0

UAE 51 -- Salem 12, Mohammad 11, Juma 9, Ala­­bdulla 9, Alzarooni 5, Al­maazmi 4, Saad 0, Alfarsi 0, Alnuamani 0, Alyammahi 0

Quarterscores: 26-15, 49-26, 89-33, 115-51.

Show comments