^

PSN Palaro

Gilas tumiklop sa Aussies

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos lumaban nang husto sa France sa kanilang unang laro, su­muko naman ang Gilas Pilipinas sa Australia sa second half patungo sa kanilang 75-97 kabiguan sa 2014 Antibes International Basketball Tournament sa Azur Arena sa Antibes, France.

Sumabay ang Natio­nals hanggang sa halftime, 42-47, hanggang gamitin ng mga Australians ang kanilang lakas at laki para magtayo ng 73-63 abante sa third period.

Sa fourth quarter ay nalimitahan ng Australia ang Gilas Pilipinas sa 12 points kasabay ng pag-iskor ng ng 24 markers para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Unang giniba ng Australia ang Ukraine, 74-65.

Nauna nang yumuko  ang Nationals sa France,

Kumolekta si 6-foot-11 naturalized player Andray Blatche ng 20 points at 10 rebounds para banderahan ang Gilas Pili­pinas, habang may 12 mar­kers si guard Jayson Castro.

Nagtumpok naman sina Jeff Chan at Gary Da­­vid ng pinagsamang 21 points mula sa kanilang 5-of-10 shooting sa three-point area.

Sina Marc Pingris, Ranidel De Ocampo, Japeth Aguilar, June Mar Fajar­do at Beau Belga ay may ka­buuang 7 points at 11 rebounds para sa Natio­nals, nakatakdang labanan ang Ukraine sa nasabing pocket tournament.

Ang Australia ay pinamunuan ni San Antonio Spurs power forward Aron Baynes sa kanyang 15 points kasunod ang 14 ni Ryan Broekhoff at tig-13 nina Brad Newley at Mattew Dellavedova.

Si Dante Exum, ang No. 5 overall pick sa naka­raang NBA Draft, ay humakot ng 8 points at 6 assists.

Australia 97 - Baynes 15, Broekhoff 14, Newley 13, Dellavedova 13, Jawai 10, Exum 8, Gibson 7, Motum 7, Goulding 6, Bairstow 4, Ingles 0

Philippines 75 - Blatche 20, Castro 12, Chan 11, David 10, Dillinger  8, De Ocampo 4, Norwood 3, Alapag 2, Tenorio 2, Aguilar 2, Fajardo 1,Lee 0, Pingris 0, Belga 0.

Quarterscores: 20-17; 47-42; 73-63; 97-75.

ANDRAY BLATCHE

ANG AUSTRALIA

ANTIBES INTERNATIONAL BASKETBALL TOURNAMENT

ARON BAYNES

AZUR ARENA

BEAU BELGA

BRAD NEWLEY

GILAS PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with