MANILA, Philippines - Pagugulungin ang national finals ng Bowling World Cup ngayong araw tampok ang 80 men’s qualifiers sa pangunguna ni dating world titlist Biboy Rivera simula sa alas-10 ng umaga sa Coronado Lanes.
Bukas naman papagitna ang 52 lady aspirants na binabanderahan ni Liza del Rosario sa nasabi ring oras at venue.
Tatargetin ng 132 finalists ang top 34 spots sa men’s at ladies’ divisions para manatiling palaban sa major prize --ang makalaro sa international finals sa Wroclaw, Poland sa Nobyembre 1-9.
Sa pagdadala ng kanilang mga iskor, muling maglalaro ang top 34 men at top 34 ladies ng 12 at 10 games, ayon sa pagkakasunod, sa Agosto 19 at 20 sa Paeng’s Midtown center.
Ang top eight performers sa men’s at ladies’ groups ang papasok sa ikatlo at huling araw sa SM North EDSA.
Ang matitirang walong men at lady contenders ang maglalaro sa isang one-round robin format kug saan ang 30 points ay mapupunta sa mananalo at 15 para sa magtatabla na magdedetermina sa tatlong lalaban sa stepladder finals.
Ang lahat ng malalaking pangalan sa Philippine bowling ay maglalaban maliban kay six-time world champion Paeng Nepomuceno na kasalukuyang nasa United States dahil sa family commitment.