^

PSN Palaro

46th place sa Pinoy chessers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanalo si GM Eugene Torre habang naitabla ni GM John Paul Gomez ang patalong laro para mauwi sa 2-2 tabla ang laro laban Canada sa pagtatapos ng 41st Chess Olympiad sa Tromso, Norway kahapon.

Ginamit ng 62-anyos na si Torre ang paboritong Torre Attack para manaig kay IM Leonid Gerzhoy matapos ang 48 moves sa board three habang si Gomez ay nakakuha ng tabla matapos ang 82 moves ng Ruy Lopez upang tulungan ang Pilipinas na tumapos sa 46th puwesto.

Tumabla si GM Julio Catalino Sadorra kay GM Anton Kovalyov sa 38 moves Nimzo-Indian Defense sa board one habang si GM Jayson Gonzales ay natalo kay GM Bator Sam­buev sa 42 moves ng Queen’s Pawn Game.

Natalo naman ang wo­men’s team sa Belgium, 3-1, para malagay sa ika-64th place tangan ang 11 puntos.

Ang  China  nanalo ng titulo sa kalalakihan at ang Russia  sa kababaihan.

ANTON KOVALYOV

BATOR SAM

CHESS OLYMPIAD

EUGENE TORRE

JAYSON GONZALES

JOHN PAUL GOMEZ

JULIO CATALINO SADORRA

LEONID GERZHOY

NIMZO-INDIAN DEFENSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with