MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, bumandera si Kiefer Ravena ng Ateneo De Manila University sa karera para sa Most Valuable Player award ng 77th UAAP men’s basketball tournament.
Matapos ang first round ng eliminations ay nagposte si Ravena ng 80 statistical points (SPs) para pamunuan ang labanan.
Tatlong beses natalo si Ravena para sa MVP race.
Ito ay laban kina Bobby Ray Parks, Jr. (2011 at 2012) ng NU at Terrence Romeo (2013) ng FEU.
Pumangalawa kay Ravena si Jeron Teng ng nagdedepensang De La Salle University sa kanyang 61.7143 SPs kasunod ang kakamping si Chris Newsome (60.4286), Mark Belo ng FEU (57.7143), Karim Abdul ng University of Santo Tomas (56.1667), Alfred Aroga ng National University (55.4286), Mike Tolomia ng FEU (55.1426), Ateneo rookie Arvin Tolentino (53.4286). Troy Rosario ng NU (53.2857) at Jason Perkins (50) ng La Salle.