DUBAI -- Matapos masibak sa FIBA U17 World Championship, nangako si MVP Sports Foundation president Al Panlilio na palalakasin ang koponan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga malalaki at talentadong players na maaaring makipagsabayan sa mga pinakamahuhusay sa mundo.
Sinabi ni Panlilio, ang anak ay naging sandata ng Batang Gilas sa nasabing 16-nation tournament, na ang mga Filipino ay may talento para manalo ngunit ang kakulangan nila sa malalaking players ang sinamantala ng ibang koponan.
Binuksan ng Batang Gilas ang kanilang kampanya mula sa 10-point setback sa Angola kasunod ang 20-point loss sa Greece at 60-point defeat sa nagdedepensang United States.
Sa Round-of-16 ay tinambakan sila ng France ng 29 points naglaglag sa kanila sa classification round kung saan ang kanilang pinakamataas na makukuha ay ninth place.
Nakatakdang labanan ng koponan ang Argentina kagabi sa Al Shabab Arena.
Ang panalo ng mga Pinoy ang magtatakda sa kanila ng mananalo sa pagitan ng Greece at Egypt para sa ninth place.
Ang Batang Gilas ay may average height na 5-foot-11 kumpara sa mga koponang nagpaparada ng mga 6’7 hanggang 7-foot giants.
“If we only had three 6’5 players in our team, napakalaking bagay nun. We gave everybody a tough time. It’s only until late in the third to fourth quarter na talagang bumibigay na. Kumbaga sa boxing, kaya mo ang suntok pero kung nasusuntok ka hanggang dulo bibigay ka na.”
Nakuntento naman si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny Pangilinan sa ipinakita ng Batang Gilas.
“MVP (Pangilinan) was proud despite the disadvantage in height,” wika ni Pangilinan. He sees that the boys are battling. Talagang lumalaban, puso pinapakita nila and because of that, it gives him a lot of pride and tears in his eyes na nakikitang lumalaban ang mga bata.”