^

PSN Palaro

MVP planong palakasin ang Batang Gilas

Pilipino Star Ngayon

DUBAI --  Matapos ma­si­bak sa FIBA U17 World Championship, nangako si MVP Sports Foundation president Al Panlilio na pa­lalakasin ang koponan sa pa­mamagitan ng pagkuha ng mga malalaki at talenta­dong players na maaa­ring makipagsabayan sa mga pinakamahuhusay sa mundo.

Sinabi ni Panlilio, ang anak ay naging sandata ng Batang Gilas sa nasabing 16-nation tournament, na ang mga Filipino ay may talento para manalo ngu­nit ang kakulangan ni­la sa ma­lalaking players ang si­namantala ng ibang ko­ponan.

Binuksan ng Batang Gilas ang kanilang kampanya mula sa 10-point set­­back sa Angola kasunod ang 20-point loss sa Greece at 60-point defeat sa nagdedepensang Uni­ted States.

Sa Round-of-16 ay ti­nambakan sila ng France ng 29 points naglaglag sa kanila sa classification round kung saan ang ka­nilang pinakamataas na ma­kukuha ay ninth place.

Nakatakdang labanan ng koponan ang Argentina kagabi sa Al Shabab Arena.

Ang panalo ng mga Pi­noy ang magtatakda sa kanila ng mananalo sa pa­gitan ng Greece at Egypt pa­ra sa ninth place.

Ang Batang Gilas ay may average height na 5-foot-11 kumpara sa mga koponang nagpaparada ng mga 6’7 hanggang 7-foot giants.

“If we only had three 6’5 players in our team, na­pakalaking bagay nun. We gave everybody a tough time. It’s only until late in the third to fourth quarter na talagang bumibigay na. Kum­baga sa boxing, kaya mo ang suntok pero kung na­susuntok ka hanggang dulo bibigay ka na.”

Nakuntento naman si Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny Pangilinan sa ipina­kita ng Batang Gilas.

“MVP (Pangilinan) was proud despite the disadvantage in height,” wika ni Pangilinan. He sees that the boys are battling. Ta­lagang luma­laban, puso pi­napakita nila and because of that, it gives him a lot of pride and tears in his eyes na na­kikitang lu­malaban ang mga bata.”

 

AL PANLILIO

AL SHABAB ARENA

ANG BATANG GILAS

BATANG GILAS

MANNY PANGILINAN

PANGILINAN

SA ROUND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with