MANILA, Philippines - Sasabak ang Gilas Pilipinas sa isang three-day pocket tournament sa Antibes, France na magsisimula ngayon (bukas sa Manila).
Makakasukatan ng Nationals sa torneo ang France, Australia at Ukraine.
Unang makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang mga French kasunod ang mga Aussies at mga Ukrainians.
Ang apat na bansa ay lalahok sa darating na 2014 FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14 sa Madrid, Spain.
Kabilang ang Gilas Pilipinas sa Group B, habang nasa Group A, ang Ukraine ay kabilang sa Group C at ang Australia ay nasa Group D.
Maglalaro ang France na wala si San Antonio Spurs guard Tony Parker, habang ipaparada ng France sina NBA players Nicolas Batum (Portland Trail Blazers), Nando de Colo (Toronto Raptors), Boris Diaw (San Antonio Spurs), Evan Fournier (Denver Nuggets), Rudy Gobert (Utah Jazz) at Ian Mahinmi (Indiana Pacers).
Sasandigan naman ng Gilas Pilipinas sina 6-foot-11 naturalized players Andray Blatche at Marcus Douthit.
Ang Australia ay pamumunuan nina Cameron Bairstow (Chicago Bulls), Aron Baynes (San Antonio Spurs), Matthew Dellavedova (Cleveland Cavaliers) at Dante Exum (Utah Jazz).
Mula sa Antibes ay babalik ang Gilas Pilipinas sa Spain para sa isa pang pocket tournament bago sumabak sa FIBA World Cup.
Nauna nang nag-ensayo ang Nationals ng 11 araw sa Miami, Florida kung saan nila nakasama si Blatche.