^

PSN Palaro

Nationals sasabak sa pocket tournament

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasabak ang Gilas Pilipinas sa isang three-day pocket tournament sa Antibes, France na magsisi­mula ngayon (bukas sa Ma­nila).

 Makakasukatan ng Nationals sa torneo ang France, Australia at Uk­raine.

Unang makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang mga French kasunod ang mga Aussies at mga Ukrainians.

Ang apat na bansa ay lalahok sa darating na 2014 FIBA World Cup na na­katakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14 sa Madrid, Spain.

Kabilang ang Gilas Pilipinas sa Group B, habang nasa Group A, ang Ukraine ay kabilang sa Group C at ang Australia ay nasa Group D.

Maglalaro ang France na wala si San Antonio Spurs guard Tony Parker, ha­­bang ipaparada ng France sina NBA pla­yers Ni­­colas Batum (Portland Trail Blazers), Nando de Co­lo (Toronto Raptors), Bo­ris Diaw (San Antonio Spurs), Evan Fournier (Den­ver Nuggets), Rudy Go­bert (Utah Jazz) at Ian Ma­hinmi (Indiana Pacers).

Sasandigan naman ng Gilas Pilipinas sina 6-foot-11 naturalized players Andray Blatche at Marcus Douthit.

Ang Australia ay pamu­munuan nina Cameron Bair­stow (Chicago Bulls), Aron Baynes (San Antonio Spurs), Matthew Dellave­do­va (Cleveland Cavaliers) at Dante Exum (Utah Jazz).

Mula sa Antibes ay babalik ang Gilas Pilipinas sa Spain para sa isa pang pocket tournament bago sumabak sa FIBA World Cup.

Nauna nang nag-ensayo ang Nationals ng 11 araw sa Miami, Florida kung saan nila nakasama si Blatche.

 

ANDRAY BLATCHE

ANG AUSTRALIA

ANTIBES

ARON BAYNES

GILAS PILIPINAS

SAN ANTONIO SPURS

SHY

UTAH JAZZ

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with