CEU, Fatima nagparamdam agad sa NAASCU
Laro Bukas
(Makati Coliseum)
8 a.m. - PCU vs CEU
9:30 a.m. DCTI vs RTU
11 a.m. St. Clare vs CUP
12:30 p.m. New Era
vs Fatima
MANILA, Philippines - Tumapos ng 17 puntos si Rodel Samboy de Leon para pangunahan ang balanseng atake ng nagdedepensang kampeon Centro Escolar University tungo sa madaling 76-62 panalo laban sa host school St. Clare sa pagsisimula ng NAASCU noong Martes sa Makati Coliseum.
Sina Aaron Jeruta, Rodrigue Ebondo at Alfred Batino ay mayroong 14, 11 at 10 puntos para sa Scorpions na agad na nilayuan ang Saints, 23-4, tungo sa dominanteng panalo.
Si Darwin Lunor ay may 20 puntos para sa St. Clare na ininda ang isang puntos na kontribusyon ng pambatong guard na si Jan Acebron.
Tinalo ng FATIMA ang Rizal Technological University 94-85, habang walkover win ang nailista ng City University of Pasay sa New Era University.
Si POC chairman Tom Carrasco Jr. at GAB commissioner Fritz Gaston ang mga panauhin sa simpleng opening ceremony.
Paiigtingin ang aksyon sa taong ito ng pagpasok sa liga ng Diliman College Technological School at Philippine Christian University.
CEU 76 -- De Leon 17, Jeruta 14, Ebondo 11, Batino 10, Celso 6, Sedurifa 5, Abundo 4, Anunciacion 3, Opiso 3, Casino 3, Amil 0.
St. Clare 62 -- Lunor 20, Redoh 14, Managuelod 8, Gil 6, Ibay 4, Ibarra 4, Dulalia 3, Jamito 2, Acebron 1, Bolos 0.
Quarterscores: 23-19, 46-28, 66-49, 76-62
Fatima 94 -- Moraga 26, Jornacion 19, Gallardo 14, Mallari 11, Marquez 10, Pineda 6, Jimenez 5, Delos Santos 5, Datu 4, Cruz 2, Matignas 2, Flores 2.
RTU 85 -- Quiro 26, Cenal 19, Tabi 14, Montecillo 11, Pronto 10, Mayuya 3, Riva 2.
Quarterscores: 15-15, 40-30, 70-65, 94-85.
- Latest