MANILA, Philippines - Nagising si Philip Paniamogan sa second half para tapusin ang pagpapasikat ng Mapua Cardinals sa 87-78 panalo ng Jose Rizal University Heavy Bombers sa 90th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Pinawi ni Paniamogan ang dalawang puntos sa first half nang manalasa ng 26 puntos sa huling 20 minuto ng labanan para masolo ng Bombers ang ikatlong puwesto sa 6-3 karta, kasama ang apat na sunod na panalo.
May 12 puntos ang 23-anyos gunner sa ikat-long yugto na dinomina ng tropa ni coach Vergel Meneses, 30-22, at hawakan na ang kalamangan sa 68-63.
Hindi pa tapos si Paniamogan dahil tatlong sunod na triples ang ibinungad niya sa huling yugto at may dalawang free throws at nakumpletong 3-point play upang itala ang pinakamalaking kalamangan sa laro na 15 puntos, 85-70.
“Nag-adjust ako dahil minamadali ko ang tira ko sa first half,” wika ni Paniamogan na hindi rin sumablay sa pitong free throws.
Kinapos ng isang rebound si Carlos Isit para sana sa triple-double na 21 puntos, 10 assists at 9 rebounds para sa Cardinals na bumaba sa 1-8 baraha.
Magandang pagtatapos ang nailista ng Emilio Aguinaldo College Generals nang padapain ang San Sebastian Stags, 71-56, sa unang laro.
Si John Tayongtong ay gumawa ng 17 puntos may 16,13, at 12 puntos sina Jan Jamon, Noube Happi at Jack Arquero para sa Generals na kumawala sa Stags sa huling yugto at tapusin ang first round elimination kasalo ang Stags sa ikapitong puwesto sa 3-6 baraha.
May dalawang panalo sa huling tatlong laro ang tropa ni coach Gerry Esplana na magagamit nila para sa mas malakas na kampanya sa second round.
Si Tayongtong ay may walong puntos sa huling yugto para pasiklabin ang 22-14 palitan at ipalasap sa Stags ang ikalimang pagkatalo.
EAC 71- Tayongtong 17, Jamon 16, Happi 13, Arquero 12, Serrano 4, Onwubere 4, Santos 2, Saludo 2, Aguilar 1, King 0, Mejos 0, General 0, Pascual 0
San Sebastian 56- Perez 18, dela Cruz 9, Yong 9, Guinto 8, Pretta 5, Ortuoste 3, Balucanag 2, Calisaan 2, Camasura 0, Fabian 0, Costelo 0, Aquino 0, Santos 0, Mercado 0
Quarterscores: 14-15; 33-28; 49-42; 71-56
Jose Rizal 87- Paniamogan 26, Benavidez 17, Teodoro 12, Asuncion 11, AbdulWahab 7, Mabulac 5, Gropse 4, Sanchez 3, Balagtas 2, Salaveria 0
Mapua 78- Isit 21, Eriobu 16, Biteng 12, Saitanan 8, Cantos 8, Serrano 5, Layug 4, Gabo 2, Estrella 2, Canaynay 0, Tubiano 0
Quarterscores: 16-19; 38-41; 68-63; 87-78.