Nabigong makapasa sa kanilang qualifying marks: Torres, Diaz hindi makakalaro sa Asian Games

MANILA, Philippines - Nabigo sina two-time Olympians long jumper Ma­restella Torres at weightlifter Hidilyn Diaz na maabot ang kanilang qualifying marks para maiwan sa ipa­dadalang delegasyon sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Ang 33-anyos na si Torres ay nakalundag ng 6.17m na pinakamagandang lundag sa fifth attempt, habang ang 23-an­yos na si Diaz ay nakabuhat ng 220kg total na mababa sa itinakdang marka ng Asian Games Task Force na 6.36m at 225kg.

Sa Ultra Oval sa Pasig City ginawa ang qualifying ni Torres, naglaro sa Beijing at London Olympics, at ang unang apat na attempts ay nasukat sa 6.08m, 6.03m, 6.00m at 5.85m.

Foul naman ang ika­anim at huling attempt ni Torres.

 “Masakit sa akin kasi gus­tung-gusto ko na mag-Asian Games. One-and-a-half pa kayang-kaya pa sana. Pero nasa kanila iyon kung pagbibigyan ako, pag hindi, training na lang ako at ipapakita ko na lang sa ka­nila na kaya ko pa,” dagdag ni Torres, beterana ng Busan (2002), Doha (2006) at Guangzhou (2010) Asian Games at may hawak din ang SEA Games record sa 6.71m.

Nasa 100kg ang best lift ni Diaz sa snatch at 120kg ang pinakamataas na buhat sa clean and jerk na gi­nawa sa weightlifing gym sa Rizal Memorial Sports Complex.

Show comments