‘Turo’ Lacson 51

MANILA, Philippines - Pumanaw na si veteran photographer Arturo Repizo-Lacson, nakatatandang kapatid ni Pilipino Star NGAYON sports editor Beth Repizo-Meraña, dahil sa atake sa puso noong Miyerkules,  Agosto 6, 2014.

Siya ay 51-anyos.

Inulila niya ang asawang si Elsie, mga kapatid na sina Beth, Ega, Joel, Michael, Lactum at Anthony, mga anak na sina PO1 Charlon Dave, Niki, Hazel at Farel at mga apo.

Ang kanyang mga labi ay nasa Nova Funeral Home sa Zabarte, Almar, at dadal­hin sa National Press Club sa Sabado.

Ang libing ay nakatakda sa Linggo sa North Cemetery.

Show comments