MANILA, Philippines - Ang pagkabali ng kanang binti ni Paul George ang nagdulot ng kuwestiyon ukol sa kapalaran ng mga NBA players sa international competitions.
Ngunit hindi nag-aalala ang U.S. national team.
Ang mas iniisip ng mga Americans ang kondisyon ni George at kung ano ang kanilang gagawin sa pagkawala ng Indiana Pacers’ superstar forward.
Ang Americans ay may 16 players sa kanilang roster pool matapos ilaglag ang dalawa at may 25 araw para madetermina kung sino ang pupuno sa naiwang posisyon ni George.
“He’s a guy that would demand significant minutes... even on a U.S. team, where he probably would’ve been a starter,” sabi ni coach Mike Krzyzewski sa isang conference call tungkol kay George na maaaring maglaro sa mga posisyon ng power forward at small forward.
“Paul is one of the great defensive players in the league,” wika pa ni Krzyzewski.
Inilaglag sa koponan sina John Wall at Bradley Beal ng Washington at Paul Millsap ng Atlanta.
Dapat na silang magdesisyon para sa Final 12 bago ang World Cup of Basketball na magsisimula sa Agosto 30 sa Spain.
Ang mga natitira sa pool ay sina Oklahoma City’s Kevin Durant, Chicago’s Derrick Rose, Cleveland’s Kyrie Irving, New Orleans’ Anthony Davis, Golden State’s Stephen Curry at Klay Thompson, Houston’s James Harden, Atlanta’s Kyle Korver, Sacramento’s DeMarcus Cousins, Dallas’ Chandler Parsons, Utah’s Gordon Hayward, Toronto’s DeMar DeRozan, Portland’s Damian Lillard, Denver’s Kenneth Faried, Detroit’s Andre Drummond at Brooklyn’s Mason Plumlee.
Dapat sanang nasa koponan pa si George kundi lamang siya nabalian ng kanang binti sa kanilang intrasquad exhibition game noong Biyernes sa Las Vegas.
Naging matagumpay ang surgery sa kanya noong Sabado at inaasahang magbabalik sa Indiana ngayong linggo.