^

PSN Palaro

Altas nakabangon, pinirata ang Pirates

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The  Arena, San Juan City)

12 nn  San Sebastian

vs San Beda (Jrs/Srs)

4 p.m.  Jose Rizal U

vs Arellano (Srs/Jrs)

 

MANILA, Philippines - Muling umarangkada ang mga kamay nina Juneric Baloria, Earl Scottie Thompson at Harold Arboleda pero sa pagkakataong ito ay may suporta silang nakuha sa mga bench tungo sa 78-62 dominasyon ng Perpetual Help Altas sa naunang mainit na Lyceum Pirates sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang beterano ring si Justine Alano ay mayroong 15 puntos habang sina Joel Jolangcob at John Ylanan ay may pinagsanib na 16 marka para lumalim ang opensa ng Altas.

May limang blocks si Ric Gallardo para katampukan ang depensa ng Altas na tinapos ang dalawang dikit na pagkatalo.

“Lagi kong sinasabi na mahihirapan kaming manalo kung tatlo lamang ang aasahan namin. Mabuti na lamang at tinanggap nila ang hamon,” wika ni Altas coach Aric Del Rosario na nabawi ang ikatlong puwesto sa 4-2 marka.

Si Baloria ay mayroong 23 puntos, 9 rebounds, 5 assists at isang steal habang si Thompson ay may 13 puntos, 11 rebounds, 7 assists, 2 steals at 2 blocks at si Arboleda ay may siyam na puntos.

Sina Wilson Baltazar, Guy Mbida at Joseph Ga­bayni ay mayroong 15, 12 at 12 puntos para sa Pirates pero ang mga beteranong sina Shane Ko at Dexter Zamora ay nagtambal lang sa 13 puntos para matapos ang tatlong dikit na panalo para sa 4-3 baraha.

Naipasok ni John Quinto ang isa sa kanyang dalawang free throws bago naisablay ni Jan Jamon ang panablang buslo upang maitakas ng Letran Knights ang 63-61 panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals sa ikalawang laro.

Hindi inasahan na ma­uuwi sa mahigpitang labanan ang nasabing tunggalian dahil nakalayo ang Knights ng 19 puntos.

Si Kevin Racal ay mayroong 19 puntos, walo sa huling yugto, bukod sa 11 rebounds habang si Mark Cruz ay naghatid ng 12 puntos para ibigay sa back-to-back runner-up sa liga ang ikalawang panalo matapos ang anim na laro.

Perpetual 78 – Baloria 23, Alano 15, Thompson 13, Jolangcob 10, Arboleda 9, Ylagan 6, Gallardo 2, Oliveria 0, Dizon 0, Bantayan 0.

LPU 62 – Baltazar 15, Gabayni 12, Mbida 12, Zamora 9, Bulawan 6, Ko 4, Taladua 2, Elmejrab 2.

Quarterscores: 15-11, 38-29, 56-46, 78-62

 Letran (63) -- Racal 19, Cruz 12, Gabawan 8, Tambeling 7, Nambatac 5, Pub­lico 4, Dela Pena 3, Quinto 3, Singontiko 2, Castro 0.

EAC (61) -- Tayongtong 17, Happi 13, Aguilar 9, Onwubere 7, Jamon 5, Arquero 5, Serrano 2, Saludo 2, King 1, Santos 0.

Quarterscores: 20-10, 32-16, 45-40, 63-61

ALTAS

ARBOLEDA

ARIC DEL ROSARIO

DELA PENA

DEXTER ZAMORA

EARL SCOTTIE THOMPSON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

PUNTOS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with