MANILA, Philippines - Nagkakamali si Chris Algieri kung iisipin niya na matutulad si Manny Pacquiao sa nangyari kay Ruslan Provodnikov kapag naganap ang kanilang tagisan sa Nobyembre 22 sa Macau, China.
Sa panayam ng Boxingscene, sinabi ni Roach na ibang-iba ang Pambansang kamao sa alaga ring si Provodnikov na lumasap ng split decision pagkatalo kay Algieri kahit napatumba niya ng dalawang beses sa first round at lumaban ng isang mata lang ang walang talong American boxer.
“Manny is a completely different fighter than Ruslan. He has a lot more experience. He’s much faster. Ruslan might be a little bit of a heavier hitter, but not nearly as quick. It’s night and day. They’re almost totally opposites,” pahayag ni Roach.
Itataya ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight title pero ang timbang ay nasa catch weight na 144-pounds dahil isang light welterweight si Algieri.
Naniniwala naman si Roach na matinding kalaban si Algieri at suportado ang sinabi ng challenger na mabigat ang kanyang mga jabs.
“Out of the options we have, he’s the best guy out there. He’s got a good jab, that’s it. We’ll expose (weakness) them, we’ll show you,” pahabol pa ng batikang trainer.
Isa sa mga unang pag-aaralan ni Roach ay kung paano pipigilan si Algieri sa kanyang istilo na patakbu-takbo sa ring.
Walong linggo ang balak na gawin sa pagsasanay ng Pambansang kamao at ito ay gagawin sa bansa dahil magkapareho ang klima ng Pilipinas at Macau. (ATan)